Wanted na rapist nasakote
- Pabs Hernandez III
- Mar 13, 2019
- 1 min read
CAVITE—Isang wanted na rapist ang nadakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Maduya, Carmona sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Jonathan Atienza, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Atienza sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape sa Batangas.
Hindi naman nanlaban si Atienza nang dakpin ito ng pulisya sa nasabing lugar.





Comments