Pulis nagbaril, sa ulo, dedbol

ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng pulis matapos umanong magbaril sa sarili sa Bgy. Alagao, Bauan, Batangas.
Pasado alas-8:00 ng umaga nang makarinig umano ng isang putok ang farm caretaker ng biktimang si PO1 Mandael Manalo, 26, may asawa, nakatalaga sa Alitagtag, Batangas-MPS na nanggaling sa loob ng silid nito.
Inalam nito ang pangyayari hanggang sa bumulaga sa kanya ang wala ng buhay na biktima.
May tama ng bala sa ulo ang biktima kung saan ginamit nito ang cal. 45 baril.
Batay sa pamilya ng biktima, ilang araw din nilang napapansin ang pagiging malungkutin nito at posibleng matinding depresyon ang nagtulak kaya ito nagpakamatay.
Wala namang nakikitang foul play ang imbestigador sa naturang insidente.





Comments