Pahiwatig na hindi maganda ang estado ng kalusugan

Salaminin natin ang panaginip ni Lorie ng Lorie_Fajardo_Campos@facebook.com
Dear Professor,
Nanaginip ako na nagpa-check-up daw ako sa doktor, lumabas daw sa resulta ng laboratory ko na may tama na raw ang aking kidney, tapos iyak daw ako nang iyak.
Pagkatapos ay ipinagamot ako ng aking asawa, tapos, nagising na ako.
Ano ang ibig sabihin ng aking panaginip?
Naghihintay,
Lorie
Sa iyo Lorie,
Usung-uso ngayon ang may sakit sa kidney, pero hindi naman basta-basta nagkakasakit ng kidney failure ang indibidwal dahil kinakailangan muna ng mahabang panahon na ang tao ay kumakain ng mga pagkaing nakasisira ng kidney.
Masama ang maalat sa kidney, pero kapag kumain ka ng asin ngayon, hindi naman agad masisira ang iyong kidney, lalo na kung wala ka naman talagang sakit sa kidney, kumbaga, hindi magic ang pagkakaroon ng sakit.
Ibig sabihin, para masira ang kidney mo, dapat nu’ng bata ka palang ay kumakain ka na ng mga pagkaing masama sa kidney.
Bago kasi maging stone o bato ang asin o maaalat na nakain, maraming taon ang kailangan para ma-trigger ito.
Gayunman, mas magandang pakinggan mo ang iyong panaginip, magpa-check-up ka sa doktor ng malaman mo kung may sakit ka sa kidney. Paano kung wala ka naman palang sakit sa kidney?
Kung negative ang sabi ng doktor mo, ang panaginip mo ay nagsasabing sa mga araw na ito, ang gusto mo ay mapansin ka ng asawa mo, in short, nagpapapansin ka lang.
Sa buhay ng mag-asawa, dapat ay may lambingan, sa buhay mo ngayon, mukhang nakalimutan na ng asawa mo na makipaglambingan sa iyo.
Sa buhay ng mag-asawa kapag walang paglalambing ang pagsasama ay boring at kapag ang buhay ay sobrang walang kuwenta, puwede ka talagang dapuan ng karamdaman dahil ang pagkabagot, mahirap nga lang paniwalaan ay nagpapahina ng kalusugan.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments