Pagkatapos ng pangatlong breakup… SIGAW NI ANGELICA: 'DI KAMI MAGKAIBIGAN NI CARLO
- BULGAR

- Mar 13, 2019
- 2 min read

HINDI nagdamot si Angelica Panganiban na i-share sa press people ang estado ng puso niya ngayon nang makapanayam namin siya kahapon sa thanksgiving presscon ng morning serye nila ni Zanjoe Marudo, ang Playhouse na last two weeks na lang mapapanood.
Nang kumustahin namin ang magaling na aktres sa pinagdaraanan niya ngayon sa kanyang love life, panay ang sabi nitong “Okay naman, normal lang,” pero nababasa namin sa mata niya ang feelings ng babaeng nasaktan at may mabigat pa ring dinadala sa dibdib.
Tinanong nga namin siya kung willing pa ba siyang makatrabaho uli si Carlo Aquino pagkatapos ng nangyaring ‘hiwalayan’ na naman nila for the third time kung ‘di kami nagkakamali.
Sagot niya, “Hindi na muna siguro.”
Steady lang daw ang puso niya ngayon at ready namang magmahal uli anytime. Hindi naman daw siya nagse-set ng goal kung taga-showbiz o hindi ang next niyang magiging BF basta may “spark”.
When asked kung ‘di ba siya napapagod magmahal o nato-trauma sa mga lalaki, ani Angelica, “Sana, ‘wag.”
Friends pa rin ba sila ni Carlo ngayon?
“No, we’re not,” diretso niyang sagot.
Matagal na rin daw silang walang communication at nu’ng magkasama sila sa Playhouse, civil lang sila sa isa’t isa.
Tanong namin kay Angelica, since naging open naman siya noon sa Gandang Gabi Vice na twice na siyang niloko ni Carlo, masasabi ba niyang ganito uli ang nangyari ngayon?
Nag-isip muna ito at saka sinabing, “Ayokong sagutin. Hindi makakatulong sa iba.”
Tungkol naman sa post niya sa socmed about sa “mangga”, itinanggi ni Angelica na patutsada niya ito kay Carlo.
Biro pa niya, “Summer, ang sarap kaya ng ice cream lalo na ‘yung mango flavor.”
So, wala ba siyang naramdamang panggagamit na nangyari?
“Mahirap ‘yun sagutin. Kailangan ko pa ipa-analyze ‘yun. Baka hindi ko ‘yun kayang sagutin ngayon,” prangka niyang sagot.
Umiyak ba siya this time kay Carlo?
Ang bilis ng sagot niya, “Hindi. Muntik lang. Tapos, naisip ko, ‘Bakit?’ ‘yung ganu’n.”
Buti na lang strong person talaga si Angelica at malaking tulong din na abala siya sa kanilang serye ni Zanjoe na Playhouse kung saan aniya nga, parang naging pamilya na sila ng cast na kinabibilangan din nina Isabelle Daza, Maxene Magalona, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid dela Paz, Jomari Angeles, Malou de Guzman, Smokey Manaloto at Justin James Quilantang.
Tutukan ang last two weeks ng Playhouse na umeere tuwing Lunes hanggang Biyernes nang umaga bago mag-It’s Showtime.





Comments