top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga pasaway na driver, huwag kunsintihin!

Ryan B. Sison
Mar 13, 2019
1 min read

BAKIT kaya kung sino na ang mali, sila pa ang galit? Hmmm…

Madalas nababalitaan natin, lalo na kung ang usapin ay tungkol sa batas-trapiko, kara­mihan sa mga lumalabag, eh, sila pa ang nagngingitngit sa galit.

‘Yung tipong, may ipinaglalaban pa rin kahit na hindi naman na mailulusot ang kanilang mga punto.

Suking-suki riyan ang mga taxi driver na bukod sa nagpapasaway sa daan, eh, nanloloko pa ng kanilang mga pasahero.

Sa katunayan, isang taxi driver ang nag-counter flow umano sa kahabaan ng Quirino Highway, kamakailan kung saan huli sa video kung paano siya nagpa­saway sa daan kasabay ng panlalait sa lalaking kanyang nakaengkuwentro.

Gayunman, ayon kay Land Transpor­tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III na sisiguraduhin nilang mapapatawan ng kaukulang parusa ang nasabing pasa­way na driver dahil malinaw na lumabag ito sa batas-trapiko.

Kaya ang panawagan natin sa mga taxi operator, higpitan ninyo ang pami­mili sa inyong mga empleyado dahil kung lumabag sila sa batas-trapiko, tiyak na damay kayo dahil responsibilidad ninyo sila.

Dagdag pa rito, huwag tayong puro reklamo na ang trapik-trapik dahil sa totoo lang, isa rin tayo sa mga dahilan, lalo at karamihan sa atin ay kulang sa disiplina at masyadong naghahari-harian sa daan.

Hindi naman siguro mahirap sumu­nod sa mga simpleng patakaran na pa­niguradong makatutulong para sa lahat ng mamamayan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page