Mga honest na OFW sa HK, dismayado sa hirit ni Mayor Sara na di isyu ang katapatan sa pagpili ng kan
- BULGAR

- Mar 13, 2019
- 2 min read
MGA KASAMBAHAY SA HONG KONG, “HONESTY” ANG PUHUNAN; SA MGA PULITIKO, “DISHONESTY”—Hindi nagustuhan ng mga OFW sa Hong Kong ang sinabi ni Presidential Daugther Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi importante sa mga kandidato o pulitiko ang honesty o maging tapat sa publiko ngayong panahon ng halalan.
Ayon sa mga OFW, ang puhunan nila sa pagiging kasambahay sa Hong Kong ay honesty tapos sa Pilipinas ang dishonestly ang puhunan ng mga pulitiko para maluklok sa poder, buwisit!
◘◘◘
COMELEC, ‘NGANGA’ SA PAGLABAG NG MGA LOCAL CANDIDATE—Ngayong March 29, 2019 pa ang start ng campaign period ng mga kandidato sa local position, pero ngayon pa lang ay nagkalat na ang poster ng mga local candidate na nakalagay ang kanilang mukha, pangalan, posisyong tatakbuhan at pati na rin ang kanilang numero sa balota.
Malinaw na paglabag ito sa Election Code, pero ang Comelec, walang aksiyon at “nganga” lang, mga pwe!
◘◘◘
“FAKE NEWS” NG MGA DDS BLOGGER, WALA NANG PUMATOL?—Hataw na naman daw ang mga DDS (Duterte Diehard Supporter) sa pagpapalaganap ng fake news laban sa mga kandidatong senador ng “Otso Diretso” at militanteng “Labor Win”.
Ang masaklap, nilalangaw at wala nang pumatol sa kanilang fake news kasi base sa inilabas na survey ng Pulse Asia noong October 2018, 88% ng mga Pinoy ay aware na tungkol sa fake news na ipinakalalat sa social media, boom!
◘◘◘
KUNG HINDI IBINALIK ANG ROTC, BUHAY PA SANA SI WILLIE AMIHOY—Patay si Reserve Officers Training Corps (ROTC) Cadet Willie Amihoy, estudyante ng Iloilo State College of Fisheries matapos hatawin ng tubo sa ulo ni ROTC Corps Commander Elmer Asilao.
Kung hindi sana ipinabalik ang mandatory ROTC sa mga estudyante, sana, buhay pa si Willie Amihoy.
Para sa kaalaman ng publiko, ang mandatory ROTC ay ipinatanggal noon ni ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa pagpatay ng mga ROTC officer noong 2001 sa estudyante at ROTC cadet na si Mark Chua, bukod pa sa naiulat na hazing, pang-aabuso at panggagahasa ng mga ROTC officer sa mga ROTC cadet at sa kabila na nakararanas nang ganito ang mga mag-aaral, eh, ibinalik pa rin ang ROTC sa mga estudyante, buwisit!





Comments