Maliban sa pagsasaya, dapat daw ay inaalagaan ninyo ang inyong sarili, mga besh! 7 WAYS PARA MAGING
- Donna Thea Topacio
- Mar 13, 2019
- 2 min read

NGAYONG tag-init, hindi puwedeng puro pag-e-enjoy lang ang gagawin natin. Bagama’t, bakasyon at pagsasaya ang ating priority sa panahong ito, mas oks kung kasama sa ipa-prioritize natin ang ating kalusugan. Kaya mga bro at sis, narito ang 7 tips para mapangalagaan ang ating kalusugan ngayong summer season:
1. STAY HYDRATED. Ito ang pinakaimportante, lodi! Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng anim hanggang walong baso ng tubig ay nakatutulong upang makaiwas tayo sa mga sakit, gayundin ang pagme-maintain ng timbang at brain function. Kaya make sure na kahit saan kayo pumunta, eh, may dala kayong tubig, ha?
2. EAT FRESH. Iwas-iwas muna tayo sa processed food, beshy! Ngayong summer, perfect season ito para mag-explore sa palengke para mamili ng mga prutas at gulay. Sa pagkonsumo ng sariwang mga pagkain, siguradong mas masaya ang inyong bakasyon dahil #healthyliving kayo. Char!
3. LIFESTYLE MODIFICATION. Ngayong mas maganda na ang panahon, magandang pagkakataon ito para gumawa ng outdoor activities. Sa ganitong paraan, siguradong magbabago ang inyong lifestyle kung saan maiiwasan mo rin ang iyong bad habits.
4. SEE YOUR DOCTOR. Of course, kahit wala kang iniinda, make sure na regular ka pa ring kumokonsulta sa iyong doktor. Gayunman, bago ka sumubok ng mga aktibidad at mag-enjoy ngayong summer, make sure na kumonsulta ka sa doktor mo, ha? Gayundin, sundin mo ang lahat ng ipapayo ng eksperto. Copy?
5. STAY SHADY. Sino ba ang ayaw ng summer? ‘Yung tipong feel na feel natin ang tama ng araw sa ating balat. Naks! Pero, ang payo ng mga eksperto, mabuting limitahan sa tatlo hanggang limang oras ang pagbababad sa ilalim ng araw. Gayundin, mabuting mag-apply ng sunscreen, 30 minuto bago tuluyang lumabas ng bahay.
6. PLAN A PERSONAL VACATION. ‘Ika nga nila, hindi masamang mag-unwind paminsan-minsan. Kaya mga bro at sis, huwag na kayong magdalawang-isip at go, go, go na sa inyong bakasyon! Nakatutulong ito para ma-energize at re-fuel kayo.
7. SLEEP WELL. Ayon sa mga eksperto, ang pagtulog ay mayroong malaking role sa kalusugan. Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay nakatutulong sa pag-iingat sa mental health, gayundin sa physical health.
Dehins naman pala mahirap alagaan ang ating sarili. Kaya palagi nating tandaan, kahit sa anong panahon, kalusugan ang dapat nating maging priority, kaya bago mag-happy-happy, make sure na everybody is healthy.
Have a memorable and healthy summer!
Gets mo?





Comments