Mag-asawa, 2 anak at 2 pamangkin | PAMILYA UBOS SA SUNOG

PATAY ang anim na magkakamag-anak nang masunog ang kanilang bahay sa Santiago City, Isabela, Martes ng madaling-araw.
Ayon kay SFO1 Alberto Timbal, alas-3:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa Paralux Street, Greenland Phase 1. Kabilang sa nasawi ang mag-asawang sina Love Boligor at Kin James Cabahog kapwa 35-anyos; mga anak nilang sina Raven, 5, at Kisha, 3; ang mga pamangkin ni Kin na sina Zedrick Lloyd Marcelino, 16, at Mark Melbourn Marcelino, 13.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng faulty electrical wiring kaya sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilya.
Sinikap pa umanong makalabas ng bahay ng mga biktima ngunit, naipit sila at nahirapang makahinga. Makalipas ang isang oras ay idineklara ang fireout na tumupok sa naturang kongkretong bahay.





Comments