top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Iba't ibang katibayan para mapatunayan ang tunay na may-ari ng lupain

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 13, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Ibinebenta ng kaibigan ko ang kanilang lupain sa akin. Sinabi niyang siya lang daw ang may-ari nito, kahit alam kong ito ay lupain na ipinamana sa kanilang tatlong magkakapatid. Gayunman, ipinakita niya sa akin na siya lang ang nakapangalan sa Transfer Certificate of Title (TCT) nito noon pa man. Nais kong malaman kung ano ang TCT at sapat ba itong ebidensiya na ang kaibigan ko lang ang may-ari ng kanyang ibinebentang lupain? —Rodolfo

Dear Rodolfo,

Para sa inyong kaalaman, ikinumpara ang legal na kahulugan ng “title” at “certificate of title” ng ating kagalang-galang na Korte Suprema sa kasong Luz Nicolas vs. Leonora Mariano (G.R. No. 201070, August 1, 2016, Ponente: Honorable Associate Justice Mariano C. Del Castillo) kung saan sinabi na:

“By title, the law refers to ownership which is represented by that document. Petitioner apparently confuses certificate with title. Placing a parcel of land under the mantle of the Torrens system does not mean that ownership thereof can no longer be disputed. Ownership is different from a certificate of title. The TCT is only the best proof of ownership of a piece of land. Besides, the certificate cannot always be considered as conclusive evidence of ownership.”

Binigyang-diin ng hukuman na:

“Torrens system of land registration “merely confirms ownership and does not create it. It cannot be used to divest lawful owners of their title for the purpose of transferring it to another one who has not acquired it by any of the modes allowed or recognized by law.” (Binigyang-diin.)

Samakatwid, kahit na ang TCT ng ari-arian ay nakapangalan pa sa tao, maaaring ang tunay na pag-aari ng nasabing ari-arian ay naisalin na sa iba sa pamamagitan ng titulong naibigay na sa mga transaksiyong dinaanan na nito, na may kaakibat na dokumento tulad ng Deed of Sale, Deed of Donation at iba pa kaya ang mainam sa inyong sitwasyon na tiyakin muna sa Registry of Deeds (RD) na nakasasakop sa ari-ariang inyong bibilhin kung may iba na bang nagpatala ng pag-aari nito o kaya ay may kaukulang anotasyon tungkol dito na maaaring makaapekto sa inyo.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page