top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Pokwang… CHOKOLEIT, NAPAGKAMALANG ASO SA HOTEL SA TATE, AYAW PAPA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 13, 2019
  • 2 min read

SA unang araw ng burol ni Chokoleit sa isang punerarya sa Antipolo, dumating ang magkakaibigang komedyante na sina Pokwang, K Brosas, Pooh, John “Sweet” Lapus at ang It’s Showtime host na si Vice Ganda.

Si Pokwang ang nagkuwento sa mga na­datnan nilang press kung paano nagpa­ramdam sa kanya si Chokoleit isang araw pagka­tapos itong bawian ng buhay sa Abra kung saa’y naimbita itong mag-show du’n kasama pa ang ilang celebrities gaya nina JM de Guzman, Pops Fernandez at Paulo Avelino.

“Napanaginipan ko siya kagabi,” lumu­luhang pahayag ni Pokwang nang makausap ng writer na si Jerry Olea sa burol last March 11.

Dugtong pa niya, “Kasi, usually ‘yan, pumupunta sa bahay ko, magkakalkal lang sa kusina. Mag-uuwi ng kung anong maba­balot niya ru’n.

“So, napanaginipan ko ‘yan na naga­ga­lit, kasi wala raw siyang makitang pambalot.

“Kasi, usually, ang ginagamit niya, ‘yung microwaveable na plastik. Nagagalit siya, ‘Bakit walang ano?! Mag-uuwi ako ng...’

“The usual! Nu’ng buhay pa siya, na tinatalakan ‘yung mga kasambahay ko.

“Iyon ang nakaka-miss sa kanya. Saka ‘yung nagse-share siya ng advice... na ganito dapat, ganyan.

“‘Mag-ano ka na. May ganito ka. May maliit kang anak. Isipin mo, hindi ‘yung puro ganyan, dapat ‘yung anak mo naman.’ Iyon ang nami-miss ko sa kanya,” ani Pokee.

Napakaraming magagandang alaala ang iniwan ni Chokoleit kay Pokwang na hindi kayang isa-isahin ng huli.

Si Chokoleit kasi, tumayo pa lang diyan, tawang-tawa na kami, eh,” pakli ni Pokwang.

Wala pa siyang sinasabi, wala pa siyang ginagawa... tawang-tawa na kami.

“Ang hindi ko malilimutan, siguro ‘yung mga kuwento niya lagi sa akin na nase-second interview lagi siya sa Amerika, kasi may kapangalan siyang kriminal.

“Tapos, ‘yung... sa hotel! Sa Amerika na naman, sa hotel! ‘Yung nai­lagay na panga­lan sa check-in, Choko­leit. Sabi, ‘Sorry, the dog is not allowed inside the room!’

“Parang ganu’n. So, akala, aso ‘yung Chokoleit!”

Tatlong linggo bago na­matay si Chokoleit, naka­pag-usap pa raw silang dalawa.

Gusto nina Pokwang, Chokoleit, K Brosas at Pooh na itanghal ang show ni­lang 4 Da Laffs sa Araneta Coliseum.

Sinabihan ni Pokwang si Chokoleit na ibenta na nito ang tinitirhan at lumipat malapit sa bahay niya.

“‘Yung lugar kasi niya ngayon, medyo bahain,” lahad ni Pokwang.

Kaya sabi ko sa kanya, ‘Umakyat ka na rito! Iben­ta mo na ‘yung bahay mo d’yan!’ ‘Yung mga ganu’n-ganu’n.

“Inaano ko na umakyat na siya ng Antipolo. Aba! Hindi lang Antipolo ang inakyat, mas mataas pa!” punchline ni Pokee na ang tinutukoy ay langit na inakyat ni Chokoleit.

“Ang bongga talaga ng kaibigan kong ‘yan! Ang usapan lang, Antipolo, ‘di ba?! Ang usapan lang, Antipolo... binonggahan pa!”

Paniwala ni Pokwang, masyado pang maa­­ga ang pagpanaw ni Chokoleit sa edad na 46.

“Para sa amin na mga kaibigan niya, it’s too early pa,” lahad ni Pokwang.

“Ang dami pa niyang puwedeng ibigay, eh. Ang dami pa niyang puwedeng i-share na ngiti, na tawa.

“Pero... siguro... kaila­ngan na ng mag­papasaya sa Itaas,” naluluha niyang sa­laysay.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page