Dumalo sa dance party tinepok
NORTH COTABATO—Isang lalaki na dumalo sa dance party ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang salarin, kamakalawa sa Bgy. Estado, Matalam sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Ciriaco Rebuta, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, matapos dumalo sa dance party sa kanilang barangay si Rebuta ay nagpasya na itong umuwi at habang naglalakad ay biglang sumulpot ang mga suspek at pinagtulungang saksakin ang biktima hanggang sa mapatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang mga suspek.





Comments