top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bigtime supplier patay sa buy-bust | 2 SIKAT NA ARTISTA SUKI NG DROGA, BUKING!

  • V. Reyes / Mylene Alfonso
  • Mar 13, 2019
  • 2 min read

INIIMBESTIGAHAN ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ang dalawang umano’y celebri­ties na nakita ang mga pa­ngalan sa cellphone ng na­patay na bigtime party drug dealer.

Ayon kay PDEA Special Enforcement Services (SES) Acting Director Levi Ortiz, mino-monitor na nila nga­yon ang naturang mga indibid­wal na bigla umanong nag-text kay Steven Pasion ha­bang iniinspeksiyon ng mga awtoridad ang cellphone nito.

Si Pasion ay una nang na­patay sa buy-bust opera­tion sa Maynila noong Lunes ng gabi.

“’Yung clients niya high profile, mga young profes­sional, mga student and also celebrities. Take note, may dalawang celebrities tayo na nakunan natin sa text com­munication nila sa sus­pect, na nag-order ‘yung celebrity ng 200 pieces of ecstasy,” pahayag ni Ortiz.

“Dalawa sila, high pro­file, saka palaging nag-a-appear sa TV. Babae saka lalake. Nakuha natin ‘yung cellphone niya (Pasion) at saka nabasa natin ‘yung mga communication,” dag­dag pa nito.

Gayunman, tumanggi muna si Ortiz na pangalanan ang nasabing celebri­ties dahil nagpapatuloy pa ang pagsi­si­yasat ng mga aw­toridad. Hindi rin inaalis ni Ortiz ang posibilidad na alyas lang ng mga artista ang ginamit ni Pasion sa mga kliyente nito.

“That is why we are con­ducting investigation on them para ma-determine natin kung totoo talaga na sila ba talaga ‘yun. We will be conducting case build-up on them, kung talagang makakakuha ng solid evi­dence, we will conduct ope­rations against them,” pali­wanag ng opisyal sa isang pulong-balitaan.

Idinagdag ni Ortiz na ang isa sa mga celebrity ay um­­order umano ng 200 tableta ng ectasy mula kay Pasion ngunit, inaalam pa kung ito ay para sa personal na pag­gamit o ibebenta rin.

“Subject to further in­vestigation. Kasi kung gu­ma­­gamit siya, kung binibig­yan niya (‘yung iba), dis­tri­bution pa rin ‘yun. Non-bail­able pa rin ‘yon,” ani Ortiz.

Nauna nang napatay ang 29-anyos na negosyante at isa umanong bigtime sup­plier ng party drugs na ecs­tasy at shabu matapos uma­nong manlaban sa buy-bust operation PDEA at tauhan ng Regional Drug Enforce­ment Unit ng NCRPO, ka­makalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Narekober ang 50 gra­mo ng shabu at assorted na party drugs na ecstasy, P330,000 marked money, .9mm baril at sasakyan na Fortuner na may plakang UNO 506 sa suspek na si Pasion, nanunuluyan sa Unit 3626 Amaia Skies Condo­minuim sa 1556 Doroteo St. sa kanto ng Tomas Mapua sa Sta. Cruz.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Richard Escarlan, alas-10:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa 3rd level ng parking area ng Amaia Skies Condo nang matapos ang transaksiyon, aarestuhin umano ng mga awtoridad ang suspek pero, nagawa nitong bumunot ng baril na naunahan namang paputukan ng PDEA agents.

Agad namatay ang sus­pek sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib. Bukod sa buy-bust, bit­bit din ng mga pulis ang war­rant of arrest na inisyu ni Judge Angelene Mary Quim­po ng RTC-Br.106 ng Que­zon City.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page