AFP vs. BIFF, 20 utas
- Jeff Tumbado
- Mar 13, 2019
- 1 min read

ISANG sundalo ang kumpirmadong patay habang tinatayang dalawampung miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang bumulagta sa sagupaan sa bayan ng Shariff Saydona sa Maguindanao, Lunes ng umaga.
Nagpapatrulya ang mga sundalo sa lugar nang makaengkuwentro ang bandidong grupo alas-10:00 ng umaga.
Matapos ang ilang minutong bakbakan, bumulagta ang mga hinihinalang gerilya at ang sundalong hindi muna pinangalanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Maliban sa BIFF, tinutugis din ng mga awtoridad ang Daesh-inspired na grupo ng isang Abu Turayfie na kaanib umano ng BIFF.





Comments