2 pa arestado | 3 BGY. TANOD KULONG SA SHABU
- Maeng Santos
- Mar 13, 2019
- 1 min read

LIMA katao kabilang ang tatlong barangay tanod ang naaresto ng mga awtoridad matapos makuhanan ng shabu sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Malabon Police Station Drug Enforcement Team (SDET) P/Insp. Rolando Domingo ang naarestong mga suspek na sina Joselito Arganda, 49; Arnaldo Rigunan, 50; Rosaldo Roque, 43, pawang mga tanod ng Bgy. Longos; Federico Reyes, 44, mekaniko at Philip Fesalbon, 24.
Ayon kay Malabon Police Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao, alas-11:30 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang desk officer ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 3 mula kay Bgy. Longos Chairwoman Angelika dela Cruz at ipinaalam ang nagaganap na illegal drug activity sa Block 12.
Bumuo ng team ang mga tauhan ng PCP-3 sa pangunguna ni PO2 Catalan saka rumesponde sa naturang lugar kung saan naabutan ng mga pulis ang mga suspek na abala sa paghahambing ng hawak na mga sachet ng shabu.
Dinakip ng mga pulis ang mga suspek at narekober sa kanila ang limang sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu.
“Hindi ako nagkulang ng paalala sa mga tao at nagbigay na ako ng babala sa kanila, galit ako sa droga”, pahayag ni Kapitana Dela Cruz.





Comments