138 mangingisda nagpasaklolo kay Digong | ILIGAL NA REKLAMASYON, TALUPAN

UMALMA ang mahigit 100 residente ng Bgy. Lucap, Alaminos City, Pangasinan matapos umanong iligal na tabunan ng lupa ang kanilang dalampasigan at tayuan ng mga commercial establishment na sinasabing pag-aari ng kanilang alkalde at mga alipores nito.
Nagsampa ng reklamo laban kay Alaminos City Mayor Arthur Celeste ang may 138 mangingisda sa naturang lungsod, sa mga tanggapan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Sec. Roy Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Usec. Martin Diño ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Labis umanong naapektuhan ng reklamasyon ang kanilang kabuhayan dahil hindi na makadaong sa dalampasigan ang kanilang mga bangka para maghatid ng mga turista sa Hundred Islands.
Ang bagong restoran umanong itinayo roon ay pag-aari ng anak umano ng kanilang alkalde . Gayundin ang isa pang cafe na itinayo ay pag-aari naman umano ni Bani Mayor Gwen Yamamoto.
Wala umanong aksiyon at tugon sa kanilang reklamo ang kanilang barangay chairman na si Raul Bacay at ang City Environment and Natural Resources Office.





Comments