top of page
Pokwang.jpg

U.S. trip hindi ipinagpaalam | MAYOR BUKING SA FB, TINULUYAN

V. Reyes
Mar 12, 2019
1 min read

SINAMPAHAN ng kasong grave misconduct at gross ignorance of the law sa Office of the Ombudsman ang alkalde sa Batangas dahil sa pagbiyahe noong nakaraang taon nang wala umanong abiso sa konseho.

Inihain ang reklamo laban kay San Pascual Mayor Roanna Conti matapos magtungo ito sa Estados Unidos upang magbakasyon kasama ang asawa at mga anak noong Disyembre 20, 2018 hanggang Enero 5, 2019.

Ginamit na ebidensiya ng nagreklamo ang kopya ng mga larawan mula sa Facebook page ni Conti na nagdiwang siya ng Pasko at Bagong Taon sa Las Vegas, Nevada at La Canada Flintridge, California.

Sa ilalim umano ng Local Government Code, dapat ay ipinabatid ni Dimayuga ang pagbabakasyon nito dahil inihahabilin ang kanyang posisyon sa bise-alkalde bilang caretaker habang wala ang alkalde.

Nang magpakita ng application for leave ang alkalde ay wala umano itong pirma mismo ni Conti at ng provincial governor.

Damay din sa inireklamo sa Ombudsman si Human Resources Management Office Chief at OIC Administrator Rolando Gonzalez, Jr. dahil sa umano’y pakikipagsabwatan kay Conti.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page