top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Tserman niratrat, utas

Levi Gonzales
Mar 12, 2019
1 min read

PATAY ang isang tserman matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang kalalakihan sa Bgy. Mahanandiong, Taysan, Batangas.

Sa pagsisiyasat, sakay ng kanyang Toyota Wigo si Rolly Loredo, 39, ng Bgy. Mataas na lupa kasama ang nasawi ring si Reynato Garbin, habang pauwi sa kanilang lugar.

Nilampasan umano ng isang Toyota Innova ang sasakyan nila hanggang sa pagbabarilin sila ng sakay nito bago nagsitakas.

Nagtamo ang dalawa ng maraming tama ng bala sa katawan na agad nilang ikinasawi.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya kung may kaugnayan sa politika ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page