South Cotabato nilindol

NIYANIG ng Magnitude 3.5 na lindol ang South Cotabato na naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao, kahapon ng umaga. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa layong siyam na kilometro ng timog-silangan ng Santo Niño, South Cotabato.
Naitala ang Instrumental Intensity II sa T’boli, South Cotabato habang ang Instrumental Intensity I ay naramdaman sa Kiamba, Sarangani. Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 11 kilometro. Wala namang inaasahan ang Phivolcs na aftershocks o pinsalang idudulot ang pagyanig.





Comments