top of page

Nagselos sa mga comment sa FB ng misis, mister nagsaksak | 4 YRS. OLD NA ANAK PINALAGOK NG ASIDO, PA

  • Mylene Alfonso
  • Mar 12, 2019
  • 2 min read

PINALAGOK muna ng muriatic acid ang kanyang 4-anyos na anak bago nagsaksak sa sarili ang isang mister sa Tondo, Manila.

Batay sa imbestigasyon, natagpuan ng panganay na anak na si Ryan Cruz ang wala ng buhay na amang si Randy, 43, laborer at kapatid na si Zian Paulo, 4.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jorlan Taluban, alas-12:20 ng tanghali nang makita ni Ryan na duguan ang ama habang bumubula naman ang bibig ng kanyang kapatid.

Ayon sa misis na si Pauline, isang overseas Filipino worker at kararating lang noong nakaraang buwan galing sa Qatar, malimit umano siyang pagbantaan ng asawa na magpapakamatay at sinasabi umano nito na magsasama siya ng kanilang anak kapag ginawa nito dahil sa hinalang mayroon siyang lalaki sa ibang bansa.

Nagseselos din umano ang mister kapag nagko-comment sa kanyang Facebook post ang mga dayuhan niyang kaibigan tulad ng “wow”, “nice” at “beautiful”.

Una rito, nag-away ang mag-asawa noong Linggo at tinangka umano ng biktima na saksakin ang kanyang misis pero, nagawa umano ng kanilang panganay na matabig ang kamay ng ama kaya siya ang pinagbuntunan ng galit at pinagsusuntok.

Umalis si Ryan at natulog sa bahay ng kanyang lola na inuwian ng kanyang ina matapos makipaghiwalay sa ama.

Kinaumagahan ng alas-10:30, umuwi si Ryan at kapatid na babae na si Andrea subalit, naka-lock ang pinto habang nakabukas ang telebisyon dahilan para puntahan ng panganay ang ina.

Pagdating sa kanilang bahay, binuksan ni Pauline ang pintuan at dito na tumambad ang bangkay ng mag-ama. Tatlong tama ng saksak sa tiyan ang tinamo ng nakatatandang Cruz, na ayon sa anak ay lumabas pa ito ng bahay para manghiram ng kutsilyo na unang tinangkang isaksak sa kanyang nanay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page