top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MIGHTY BON, PAMOSTE SA SUPER SIX SA CAVITE

Green Lantern
Mar 12, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

MAGHAHARAP ngayong gabi ang Group Race 11, 3 Year Old & Above Maiden Race, Group Race Merge at Condition Race sa karerang magaganap sa San Lazaro Leisure Park, Carmona,Cavite.

Sa Group Race 11 siyam na kalahok ang maghaharap at pinapaboran ng tatlong mananakbo na Magat Salamat, Reigning Jewel at Agent Zarto sa Race 1 sa umpisa ng Winner Take All( WTA).

Sa 3YO & Above Maiden Race sa pag-alagwa ng Race 2 simula ng Pick 6 binibigyan ng malaking panalo ang Makarit at Princess Alessi. Sa Race 3, kung saan magsisimula ang Pick 5 magandang laban ang matutunghayan at pinapaboran ang mga kalahok na Weemissjerre,couple entry (Silver Glow-Since When),Lemonada at Yes All Wee Bet.

Sa pagsisimula nang Pick 4 sa Race 4, pitong mananakbo ang kalahok sa pangunguna ng kabayong Leonora’s Angel at Apollo of Aquila. Magsisilbing parating ang Barrio San Jose at Karina, isama ang Ashley’s Gift sa Race 5. Sa Race 6,pinapaboran ang Water Into Wine, kontra Kentucky Rain at Coastal Road.

Pandiin ang Mighty Bon, habang magsisilbing parating ang Hail Storm, Blowby, Casa Blanca, Musikera, Ten Ten Forty sa paghataw ng Race 7, kasabay ng Super Six na may dalang carry over na nagkakahalaga ng P52,920.00.

Tip ni Mang Ding: Race 1-Magat Salamat (2) Reigning Jewel (3) Race 2-Makarit(3) Princess Alessi (6) Race 3-Weemissjerre (5) Lemonada (9) Entry No.4 Race 4- Leonora’s Angel (4) Apollo of Aquilla (7) Race 5-Karina (8) Entry No.1 Race 6-Water Into Wine (6) Coastal Road (2) Kentucky Rain (5) Race 7-Mighty Bon 2, Blowby (4) Hail Storm(8)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page