Matapos masawi ang 11 beybi | HEALTH MINISTER NG TUNISIA, NAGBITIW
- Jersey Sanchez
- Mar 12, 2019
- 1 min read
NAGBITIW sa puwesto ang Health Minister ng Tunisia matapos ang pagkasawi ng 11 sanggol.
Base sa impormasyon, septic shock sa Rabta Maternity Hospital ang dahilan ng pagkasawi ng mga ito.
Gayunman, ayon kay Tunisia Prime Minister Youssef Chahed, naglunsad na sila ng imbestigasyon hinggil sa insidente, gayundin, hindi pa umano ligtas si Abderraoug Cherif kahit ito ay nagbitiw sa puwesto.
Samantala, sa inilabas na pahayag ng Tunisian pediatrics society, ang impeksiyon ang sanhi ng insidente.





Comments