top of page
Pokwang.jpg

Magsasaka timbog sa boga

Pabs Hernandez III
Mar 12, 2019
1 min read

MAGUINDANAO—Isang magsasaka ang dinakip ng pulisya nang makumpiskahan ng baril, kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Mirab North, Upi sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Aquino Dianal, residente ng nasabing barangay.

Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ni Dianal at dito nakumpiska ang baril at mga bala.

Nakapiit na si Dianal na nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page