top of page

Lalo na kung ayaw mong mapaghulihan ngayong bakasyon... TIPS PARA MATUTONG LUMANGOY

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 12, 2019
  • 1 min read

EXCITED ka ng mag-swim­ming, pero dehins ka na­man marunong lumangoy? ‘Yun lang!

Nakaiinis, ‘di ba? 5 feet na lang, eh, takot ka pa rin. Gayunman, para sa mga beshy natin diyan na hindi marunong lumangoy, narito ang ilang style sa pagsu-swimming:

1. FRONT CRAWL. In short, langoy aso, besh! Ha-ha-ha! Sa totoo lang, kahit medyo mukhang ewan ang style na ito, eh, tiyak na makalalangoy pa rin kayo. Ito ang isa sa pinakasimpleng paraan para hindi kayo ma-out-of-place sa mga kaibigan ninyong swimmer.

2. BACKSTROKE. Halos katulad ito ng front crawl, pero siyempre patalikod. Madali ito, lalo na kung bet mong hindi ilu­bog ang ilong mo sa tubig.

3. BUTTERFLY STROKE. Dalawang braso ang kailangan para magawa ito. Ang butterfly stroke ay maihahalintulad sa dolphin-style kick kung saan kailangan lang idiretso ang legs sa tuwing sisipa sa tubig. Oh, ‘di ba, bongga?

4. BREASTSTROKE. Kokak! Yes, magmumukha kayong palaka rito, mga besh!

Kailangan ninyong i-bend ang inyong tuhod at legs habang nakadikit ang iyong dibdib sa tubig kung saan madali ng gagalaw ang inyong katawan at kahit mabagal ang inyong usad, eh, at least, nakalalangoy na kayo.

5. SIDESTROKE. Bagama’t, hindi ito ginagamit sa mga competition, mahalaga pa rin na ginagamit ang stroke na ito dahil ma­gagamit ninyo ito upang makapag-rescue, lalo na at isang braso lang ang kinakailangan para magawa ito. Sakto rin ito sa mga du­marating na kalamidad. He-he-he!

Kaya mga beshy, don’t worry kung de­hins kayo marunong lumangoy basta ku­mapit lang kayo sa gilid, for sure, makasu-survive kayo. Hindi naman tournament ang pag-e-enjoy, eh, kaya kahit dehins tayo ma­runong mag-swimming, ang importante ay nag-iingat at nagsasaya tayo.

Gets n’yo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page