Iwas-korupsiyon | NAIA OFFICIALS NI-RESHUFFLE
- June Simon
- Mar 12, 2019
- 1 min read

MAHIGIT sa 20 Immigration supervisors at intelligence officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang na-reshuffle at inilipat sa iba’t ibang terminal sa nasabing paliparan.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Port Operations Division Chief Grifton Medina, bahagi ito ng pagsusumikap ng BI management na mapalawak ang professional advancement ng mga kawani at mapabuti ang serbisyo sa traveling public.
Aniya, pinirmahan ito ni BI Commissioner Jaime Morente noong nakaraang linggo makaraang aprubahan ng Commission on Elections ang kanilang kahilingan para sa exemption ng ban sa paglilipat ng mga kawani ng gobyerno habang nasa election period.
Kabilang sa mga naapektuhan ng revamp ang mga hepe ng Airport Operations Section, Port Operations Division deputy heads, BI-NAIA terminal supervisor, head ng BI Border Control and Intelligence Unit at miyembro ng BI Special Operations and Communications Unit.
Bahagi rin umano ito ng polisiya upang hindi masanay ang mga kawani sa isang posisyon lamang at maiwasan ang fraternization at corruption. Nabatid na may 154 Immigration officers na ang na-reshuffle sa NAIA ngayong taon.





Comments