HOROSCOPE | MARSO 12, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 12, 2019 (Martes): Huwag mong patulan ang mga mabababa. Ikaw ay para sa mataas na kalagayan, kaya sa itaas ka makipagbungguan. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang magmalaki kahit totoo na nakahihigit ka sa karamihan dahil sila ay mga kapos sa kaalaman kung paano pauunlarin ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-13-29-31-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itaas mo pa ang iyong pangarap. Mabigo ka man ay mataas pa rin ang iyong magiging bagsak. Bibihira ang ganitong kapalaran, pero ito ang susi ng mga nagtagumpay na sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-18-21-28-34-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Tatalunin mo ang iyong mga karibal sa pamamagitan ng mabilis na pagsasagawa ng iyong mga plano. Maiiwanan mo sila nang milya-milya at hindi na sila makahahabol pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-14-19-22-24-27.
CANCER (June 21- July 22) - Kahit medyo pagod at hirap ka na, ipagpatuloy mo ang iyong pagsisikap. Madalas, ang tagumpay ay natatabingan lang ng mga anino ng pag-aalinlangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-25-26-33-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bakit ka susuko sa harap ng taong mapagpumilit. Maaaring hindi mo alam na kaya siya nagpupumilit ay dahil alam niyang malabo niyang makuha ang kanyang pinakahahangad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-19-20-22-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ngayon ng iyong talino sa mas mataas pang kalagayan. Maaninuhan mo ang mga nag-aakalang mas magaling sila kaysa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-26-33-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Masaya ka, lalo na ngayon dahil halos walang kahirap-hirap nang nakuha mo ang iyong gusto. Ibinabalita ng iyong kapalaran na mas sasaya ka sa ilang araw pang darating. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-18-21-27-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang iyong kailangan. Minsan, inaakala ng tao na siya ay malakas pero ang totoo, anumang sandali ay puwede siyang dapuan ng karamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-26-33-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung hindi ka magpapagamit sa iba, ikaw ay makikitang mabilis na umaasenso. Maaaring hindi mo namamalayan na ang galing at husay mo ay sinasamantala na ng iyong kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-23-25-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong sayangin ang iyong oras sa pag-iisip ng mga negatibong bagay. Ang mas maganda ay ang makinig ka ng masasayang musika. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-19-23-28-30-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Paramihin mo ang mga bagay na nasa sa iyo na. Ang unang utos na magpakarami kayo ay hindi lang tungkol sa pagpaparami ng lahi kundi dapat ding paramihin ang kabuhayan at ang mga ari-arian. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-21-24-28-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Planuhin mo ang takdang araw ng pamamasyal. Minsan, nababawasan ang saya kapag walang masinop na plano sa pagpunta sa malalayong lugar. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-22-27-39-41.




Comments