Biyuda na natatakot ng pumasok sa relasyon
- ROMA AMOR
- Mar 12, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Ako si Feliza, 40 years old. Dalawang taon na akong biyuda, pero natatakot na akong pumasok sa relasyon dahil ayoko ng maiwan. Sa tingin ninyo, Roma, ano ang dapat kong gawin para mawala ang takot na aking nararamdaman? Gusto ko rin sanang magkaroon ng katuwang sa buhay. Sana, matulungan ninyo ako. — Feliza
Feliza,
Sa totoo lang, kung tutuusin, hindi mo kailangang matakot dahil ganu’n talaga ang buhay, minsan, binibigyan tayo ng mga pagsubok para mas lalong tumatag at matuto. Kung ano ang inilaan sa iyo ni God, magtiwala ka sa Kanya dahil panigurado, ‘yun ang makabubuti para sa iyo nang sa gayun ay maging maligaya ka sa buhay.





Comments