top of page

Ang rurupok nila, 'di kataka-takang magkamali… CHICKBOY NA YOUNG ACTOR, PINALALAYO SA MORENANG A

  • Erlinda Rapadas
  • Mar 12, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

HINDI pabor ang ilang grupo sa ginawang pagporma ng chickboy na young actor sa isang promising young actress na nagbibida na sa ilang serye ng network. Ito raw kasi ang panira sa pag-angat pang lalo ng career ng magandang young actress na may ka-love team ngayon.

Ang chickboy na young actor ay hiwa­lay na rin sa GF niyang young actress na dati rin niyang ka-love team. Buwag na ang kanilang love team at may bago na ring boyfriend ang girl.

Ipinareha na sa ibang female stars ang matinik na young actor. Ang pinoporma­han naman niyang young actress ay may bagong malaking serye.

Sinabihan na siya ng kanilang network na iwasan munang dumikit at ma-link sa young actress dahil may ka-love team ito na kasama sa bagong serye.

May mga kumakalat kasing tsismis na nakikita kung saan-saan na magkasama ang chickboy na young actor at ang more­nang young actress.

Pero, ‘di ba, dapat ding pagsabihan ang young actress dahil ito ang super in love sa young actor?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page