Aktor, ano raw feeling na ipinagpalit ni Maine… 12-ANYOS NA FAN NA NAGTANONG KAY ALDEN, PINAGALITAN,

Nitz Miralles / BIDA

WALA sa Eat... Bulaga! kahapon si Alden Richards dahil nagte-taping ng Lenten Special. Hindi lang sinabi kung Lenten Special ng Eat... Bulaga! o ng GMA-7. Hayaan nating si Alden ang magkuwento kung para saan ang taping niya kahapon para mag-absent sa noontime show.
Samantala, fresh pa rin sa mga viewers ng Sunday PinaSaya ang nangyari last Sunday kung saan sa segment na Ellen De Generous ni Ai Ai delas Alas na guest kunwari si Alden, may pa-Q&A.
Isa sa mga tanong kay Alden ay, “Ano ang feeling ng ipinagpalit ni Maine?”
Kita ang pagkagulat nina Ai Ai at Alden, pero mabilis ang sagot ni Alden na “invalid,” na ibig sabihin, invalid ang question at hindi kailangang sagutin. Sinundan ‘yun ng tawa ng aktor.
Marami ang pumuri sa sagot ni Alden dahil wala siyang inilaglag, pero hindi maiwasang may magalit. Nag-react ang mga fans ni Maine Mendoza dahil ginamit daw ito sa segment. Nagalit sila kina Ai Ai at Alden at sa staff ng Sunday PinaSaya. Nananahimik daw si Maine, bakit isinama sa segment?
Nalaman naming 12-year-old lang ang fan na nagtanong at fan daw ito ni Kyline Alcantara. Ang sabi pa, pinalitan ng bagets ang tanong dahil hindi ‘yun ang ibinigay sa kanya.
Dinala raw kay Alden ang bata after ng segment. Pinagsabihan daw kasi ang fan at umiyak ito kaya inalo ni Alden at sinabihang okay na, ‘wag nang umiyak.
Umaasa ang mga fans ng Pambansang Bae na pinagsabihan ni Alden at ng staff ang fan na ‘wag nang uulitin sa ibang artista ang ginawa.





Comments