32 TEAMS, MAGKAKASUBUKAN SA NBTC NATIONAL FINALS

MAGTUTUOS ang pinakamahusay na 32 koponan ng high school sa Pilipinas ngayong Marso 18 hanggang 24 sa SM Mall of Asia Arena para sa 2019 Chooks To Go SM National Basketball Training Center (NBTC) National Finals.
Sa kanyang ika-12 taon, patuloy ang torneo sa pagtuklas at paghubog sa susunod na henerasyon ng manlalaro na maaaring kumatawan sa Pilipinas at maging bituin ng basketball.
Buhat sa 105 lungsod sa lahat ng sulok ng kapuluan, nalaman ang 16 regional champion. Ang mga ito ay ang Narvacan National High School (Candon), University of Baguio (Baguio), Isabela College (Cauayan), Saint Augustine (Pampanga), Calayan Educational Foundation (Lucena), University of Perpetual Help System-Jonelta (Binan), Lyceum of the Philippines University-Cavite (General Trias), Santo Domingo National High School (Legazpi), STI West Negros University (Bacolod), Santa Clarita International School (Iloilo), Saint Louis of Don Bosco (Dumaguete), Dolores National High School (Eastern Samar), Zamboanga del Sur National High School at Holy Trinity College (General Santos) at Southern Philippines College (Cagayan de Oro).
Sasamahan sila ng walong koponan buhat sa mga liga ng Kalakhang Maynila at Cebu sa pangunguna ng defending champion Nazareth School of National University.
Ang pito pang iba ay ang Mapua University, San Beda University-Rizal, Ateneo de Manila University, La Salle Green Hills, Colegio de San Juan de Letran, Southwestern University at University of San Jose Recoletos.
Tiyak na aangat ang aksyon sa pagsali ng anim na koponan ng mga overseas Filipino community sa Estados Unidos, Australia, New Zealand, Italya at dalawa galing ng Canada. Pinili ng pamunuan ng torneo ang dalawang wild card – ang Far Eastern University at Hope Christian High School – para ma kumpleto ang 32 paaralan.





Comments