15-anyos na tulak, timbog
- Maeng Santos
- Mar 12, 2019
- 1 min read

ISANG 15-anyos na binatilyo na hinihinalang ginagamit ng drug syndicate sa pagpapakalat ng droga ang arestado sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan Police Chief Sr. Supt. Restituto Arcangel, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba hinggil sa pagbebenta umano ng droga ng menor-de-edad na residente ng Bgy. 49.
Nang maging positibo ang impormasyon, nagkasa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit at Special Operation Unit sa pangunguna ni P/Capt. Rammel Ebarle ng buy-bust operation kontra sa suspek sa Raja Soliman St., Bgy. 36, alas-11:35 ng gabi.
Matapos iabot ng suspek ang plastic sachet ng shabu kay Pat. Renniell del Poso na nagpanggap na buyer kapalit ng P200 marked money, agad lumapit ang back-up na si Pat. Jerome Cunanan at tinulungan ang kabaro sa pag-aresto sa binatilyo.
Ani SDEU P/Maj. Rengie Deimos, nakumpiska sa suspek ang itim na coin purse na naglalaman ng 30 sachets ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.




Comments