top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

‘Pinas, hindi raw mababaon sa utang sa China

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 12, 2019
  • 1 min read

RELAX lang!

Pinakakalma ng Palasyo si Malaysian Prime Minister Mahathir Bin Mohamad kaugnay sa sunud-sunod na pag-utang ng Pilipinas sa China.

Bagama’t, tinatanggap ng ating gobyerno ang mga payo ni Mahathir, tiniyak nito na wala umanong dapat ikabahala ang opisyal dahil pinag-aaralan umano nang husto ng economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga utang sa Chinese government.

Sure umanong hindi dehado ang Pilipinas sa China.

Matatandaang, sa official visit ni Mahathir sa bansa noong nakaraang linggo, pinaghihinay-hinay nito ang Pilipinas sa pangungutang sa China at nagpayo na siguruhing kayang bayaran ng gobyerno ang anumang loan nito.

Sa kasalukuyan, dalawa umano ang loan agreements ng Pilipinas at China — P72.49 million na Chico River Irrigation Project at P18.724 billion New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project.

May punto ang Prime Minister ng Malaysia at maging ang mga Pilipino ay tiyak na ito rin ang gusto, ang hindi mabaon sa utang.

May iba na hindi maiwasang isipin na baka maging kabayaran ang mismong bansa sa magiging pagkakautang ng gobyerno

Mainam nang habang maaga pa, sinisiguro na hindi ito mangyayari dahil kapag nagkataon, baka matuloy ang hirit na maging probinsiya tayo ng China.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page