Tito sotto, astang-spokesperson, todo-tanggol sa hirit ni mayor sara na hindi isyu ang tapat na kand
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 2 min read
SURVEY SA MGA SENATORIABLE, PANG-"BOBOTANTE”—Dahil wala sa website ng Social Weather Stations (SWS) ang survey na no. 3 na si ex-SAP “Bong” Go sa mga senatoriable, ang banat ng netizens ay niloloko raw ng kampo ni “Bong” Go ang publiko, pero ang mga DDS, todo-tanggol na totoo raw ang survey.
Kung anuman ang katotohanan sa isyung ito, ang importanteng malaman ng publiko na sa mahigit 108 milyong Pinoy ay 1,200 lang ang bilang ng mga taong sinu-survey ng SWS at maging ng Pulse Asia, ibig sabihin, ang inilalabas na data ng mga survey firm tungkol sa mga kandidato ay mind conditioning lang sa mga “bobotante”, period!
◘◘◘
SP SOTTO, SPOKESMAN NA NI MAYOR SARA?—Ipinagtanggol ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Presidential Daughter Mayor Sara Duterte-Carpio tungkol sa sinabi nitong hindi importante sa mga kandidato ang maging tapat sa publiko, dahil ayon sa Senate President, ang pinatutungkulan daw ni Mayor Sara ay ang mga bolerong pulitiko.
‘Yan ang Senate President ng Pilipinas, mistulang spokesman na ng alkalde ng Davao City, boom!
◘◘◘
KASUNDUAN NG PILIPINAS AT CHINA, BAD NEWS SA MILYUN-MILYONG JOBLESS PINOY—Ibinulgar ni senatorial candidate Neri Colmenares na kaya raw maraming Chinese workers sa bansa ay dahil ang nakasaad daw na kasunduan tungkol sa inutang na pang-projects ni P-Duterte ay mga kumpanyang China raw ang gagawa ng mga proyekto sa bansa.
Ang nais tumbukin ni Colmenares na dahil China ang gagawa ng mga proyekto sa Pilipinas, natural na mga Chinese ang kukunin nitong manggagawa.
Kung totoo ‘yan, bad news ‘yan sa milyun-milyong jobless Pinoy, hu-hu-hu!
◘◘◘
BALIK-VK OPERATION SI ‘RICO’ SA BATANGAS CITY—Balik-operasyon na naman daw ang operasyon ng video karera ni “Rico” sa Batangas City.
Kung sinuman ang nagbigay ng permiso kay “Rico” na manraket ulit sa lungsod na ito ay tiyak malilintikan kay Batangas City P/Col. Sancho Celedio kasi sa lahat ng ayaw ng hepeng ito ay may nanraraket sa kanyang jurisdiction, abangan!





Comments