Sina Barbie, Bianca, etc. na ang uso… KAPUSO STARS NA MASOSYONDA NA, OUT SA MGA SERYE NG SIYETE
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

Mapapansing puro young actresses ng GMA-7 ang mga bida ng primetime series ngayon ng network.
Una na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz sa Kara Mia, sina Kylie Padilla at Ruru Madrid sa Toda One I Love, at sa Sahaya naman ay sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.
Tanong ng mga Kapuso viewers, ipinagkatiwala na ba ng mga big stars ng network ang primetime slot sa mga bagets?
Anyway, lumalabas na birthday presentation ni Bianca ang Sahaya dahil birthday niya noong March 2.
Mahuhusay na artista ang kasama nila ni Miguel sa Sahaya. Magaling din ang director na si Zig Dulay.
Mahusay na writer si Suzette Doctolero at magaling ang staff ng director at ang buong Team Sahaya, kaya walang rason para hindi ito maging matagumpay.
Puwedeng mag-co-produce ang Viva Films at Star Cinema sa action movie na pagsasamahan nina Angel at Nadine kung sakali.





Comments