Sila raw ‘yung mga naisusulat sa Bibliya... MGA PANINIWALA KUNG BAKIT TINATAWAG NA BANAL ANG INDIBID

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Gilbert ng Gilberto_ Dagupan@facebook. com
Dear Señor,
Ang sabi ng pari sa Simbahan, wala raw taong banal maliban kay Jesus.
Tapos, sabi pa niya, wala raw mga bagay na banal, kaya huwag daw akong sumamba at maniwala sa mga banal na bagay.
‘Yung lolo ko ay may agimat at ang sabi niya ay buhay at banal daw ‘yun dahil ipinamana pa sa kanya ‘yun ng lolo niya.
Totoo kaya ‘yun? Hihintayin ko ang magiging sagot ninyo.
Thanks!
Naghihintay,
Gilbert
Sa iyo Gilbert,
Baka hindi tunay na pari ‘yung sinasabi mo o kaya siya ay pastor o ministro ng ibang Simbahan.
Gayunman, ganito ang sabi ni God, “ang aking templo ay banal na lugar”. Dagdag pa Niya, “ang altar ay kabanal-banalang lugar”.
Kaya hindi natin malaman kung ‘yung pari na sinasabi mo ay sinungaling o si God mismo ang nagsisinungaling.
Eh, ‘yung mismong hawak-hawak na Bibliya ng mga tao ay baka hindi napansin ng pari at ng mga pastor, ang pagkalaki-laki at sobrang linaw na mga letra na nakasulat dito.
Balikan natin si God, sabi Niya, “ang unang bunga ng halaman ay sagrado o banal, kaya ang bawat ani ay dapat na ibigay o ialay kay God”.
Malinaw ang kanyang sinabi, pero magiging malabo ito kung mapagkunwari ang mga mangangaral.
Alam mo, iho, naitala sa kasaysayan ng ating bansa na noong unang panahon ng mga Kastila, dito sa atin ay binola nila ang ating mga ninuno.
Ang sabi nila, dapat daw gawing pari ang mga panganay na lalaki, kaya noon, ang mga panganay na Pilipino ay nagiging mga pari dahil inalay sila kay God.
Naitala rin sa kasaysayan ng bawat bayan na ang mga unang ani sa sakahan at taniman ay ibinibigay sa pari dahil ang unang ani ay dapat na ialay kay God.
Kaya noon, ang mga pari ay inilalarawan ng mga pintor na malalaki ang tiyan at matataba, ito ay dahil ang magaganda at matatamis na bunga ng mga magsasaka ay sa kanila napupunta.
Naitala rin at hanggang ngayon ay usung-uso pa na ang unang sahod o kita ng mga naghahanapbuhay ay para kay God, pero medyo iba na ngayon.
Samantala, dahil sobrang mahirap ang buhay ngayon, ang unang sahod ay pambayad lang sa mga utang.
Ngunit, medyo nabago na rin ang takbo ng mundo dahil ang unang sahod ay pambili ng bagong cellphone dahil ngayon, hindi puwede na ang tao ay walang magandang cellphone, kumbaga, hindi na inuuna ang pag-iintrega sa magulang at kinakalimutan na rin ang mga inutang.




Comments