Piglas Ni: Hedaya
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 1 min read

Paglipas ng mahabang panahon,
at nagbago man ang ating landas,
ikaw pa rin ang paborito ko
sa mga alaala na tuluyan nang kumupas.
Pilitin mang ibaling sa iba ang atensiyon,
alaala mo'y ayaw na muling ibaon.
Tahakin man ang ibang direksyon,
mga paa ko'y sa iyo lamang gustong tumuloy.
Sambit ko'y "tama na",
sabi ng puso ko, "baka puwede pa?"
Ang hirap 'pag puso at isip ang nagtalo,
pero bakit ang isip ko'y gusto nang magpatalo?
Gusto ko nang pumiglas sa nakaraan
at harapin ang buhay na sa aki'y inilaan.
Pero bakit kumapit ka pa,
noong sinabi kong “bitaw na”?
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments