top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Petiks lang, panay yosi at kuwentuhan — Tulfo | MGA PINOY, TAMAD!

  • Madel Moratillo
  • Mar 11, 2019
  • 2 min read

TUMANGGI si Special Envoy to China Ramon Tulfo na mag-sorry matapos ta­waging tamad ang mga Pinoy construction worker.

Giit ni Tulfo, bakit uma­no siya hihingi ng pauman­hin gayung nagsasabi la­mang siya ng totoo.

“To the Filipino cons­truc­tion workers: Why should I apologize to you for telling the truth that you’re basically lazy and a slow­poke? Does the truth hurt?” pahayag ni Tulfo sa kanyang Twitter account.

Sa panayam sa telebis­yon, una nang iginiit ni Tulfo na mas mabuti pa ang Chi­nese workers kaysa sa mga manggagawang Pinoy.

Idinedepensa nito ang pagdagsa ng mga mang­ga­gawang Chinese sa bansa.

Ayon kay Tulfo, ang mga Chinese ay hardworking kaya mas gusto ito ng mga developer kumpara sa mga Pinoy.

Do you know why the developers prefer Chinese workers? Because they are hardworking. The Fili­pino workers, pardon me, when they go to the job site, that’s only the time they would prepare their tools – whereas the Chinese workers are al­ready prepared – and then they always smoke cigarettes and talk non-stop,” bahagi ng pahayag ni Tulfo.

Una nang binatikos ng Trade Union Congress of the Philippines ang pahayag ni Tulfo na maituturing uma­nong pagtraydor sa mga kapwa nito Pilipino.

Iginiit din ni TUCP Pre­sident Raymond Mendoza na dapat humingi ng pau­manhin si Tulfo.

Samantala, kinastigo na­man ng lider-manggagawa si Tulfo.

“Kaya nga tinawag na manggagawa, kasi nga gu­­magawa. Walang ibang da­hilan ng pag-unlad ng eko­­nomiya ng bansa liban sa manggagawang Pili­pino. Pa­tunay ng aming kasipa­gan ay ‘yung mismong ipi­nagmamalaki ng adminis­trasyong ito na Gross Do­mestic Product at Gross Na­tional Product,” ani Leody de Guzman.

Aniya, unfair na sabihin ito ni Tulfo dahil nagkan­dakuba-kuba na sa katatra­baho at marami ang nagka­kasakit sa kao-overtime para lang may maiuwi sa pamilya ang manggagawa.

Kung masipag man uma­no si Tulfo, ito ay kasipa­gang magsalita at mang-intriga.

Para naman sa Partido Lakas ng Masa (PLM), giniit nito na itigil na lang ni Tulfo ang kanyang mga patutsada dahil ito’y dura lamang sa hangin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page