top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Laban-bawi sa medical marijuana

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 11, 2019
  • 1 min read

MARAMI ang umasa na magiging legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

Lalo na at nauna nang nagpahayag ng pagpabor si Pangulong Rodrigo Duterte.

Gayunman, biglang nagbago ang isip ng pangulo at tutol na ito sa medical marijuana.

Ayon sa kanya, maaaring gawing excuse ng mga adik ang medical marijuana para palaguin ang pagtatanim nito at mahihirapan na umanong pigilan.

Ang pagpabor o pagtutol sa anumang panukala ay nangangahulugan na kailangan pa ng mas malawak na pag-aaral.

Mainam kung magkakaroon ng sariling pag-aaral ang gobyerno tungkol sa paggamit ng medical marijuana. Maaaring isagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Food and Drug Administration (FDA) at ibang ahensiya ng gobyerno ang nasabing pag-aaral.

Kung ito man ay naging legal at epektibo sa ibang bansa, may pagkakataon naman na mapatunayan din ito sa ating bansa. Tulad ng nauna na nating sinabi, kailangan lang ng dagdag pang pag-aaral at pagsasaalang-alang sa iba pang isyu na maaapektuhan nito.

Hindi natin masisisi ang pangulo dahil talamak na talaga ang mga lulong sa iligal na droga tulad ng marijuana. Maaaring may pag-aalinlangan ito kung paano masisigurong hindi magagamit sa masama ang nasabing panukala.

Samantala, sa kasalukuyan, pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang House Bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page