La mesa dam, 'pagnatuyo; mga taga-metro manila, sa pawis aasa, ngek!
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 1 min read
YUMAO na ang komedyanteng si Chokoleit.
Condolence sa mga naulila.
◘◘◘
NAGALIT ang isang beteranong aktres nang bansagan itong “laspag”.
Alangan naman bansagan siyang “sariwa”!
◘◘◘
UMIIRAL na ang Kuwaresma.
Bawal na ang pagkain ng karne tuwing Biyernes.
Matagal nang walang pambili ng karne ang mga Pinoy.
Araw-araw, Biyernes ang kanilang buhay!
◘◘◘
BINOMBA nang todo ang Patikul, Sulu.
Maraming terorista ang tumimbuwang!
◘◘◘
MAY umiiral nang water crisis.
Totoo palang kailangang mag-import ng tubig mula sa Mars!
◘◘◘
TUMAAS na ang presyo ng plastic containers sa Kyusi.
Nag-iimbak na sila ng tubig hanggang Pasko!
◘◘◘
NATUTUYOT na raw ang mga dam.
Puwes, gawin na lang subdivision ang mga ‘yan!
◘◘◘
KAPAG natuyo ang La Mesa Dam, saan kukuha ng tubig ang mga taga-Metro Manila?
May isang pagkukunan: Pawis ni “Juan”!
◘◘◘
PUMALAG si ex-PCSO General Manager Alexander Balutan sa alegasyon ng korupsiyon.
Bakit daw hindi siya kasuhan?
◘◘◘
BUMABA kasi ang gross sales ng lotto.
Isinisisi ito sa ipinataw na TRAIN Law.
Nagsimula na ang kumplikasyon nito!
◘◘◘
TRAIN Law din ang sinisisi ng mga Pinoy sa nararanasang pagdarahop.
Hindi nararamdaman ng mayayaman ang negatibong epekto ng TRAIN Law.
Meaning, hindi ito sosolusyunan kasi ang mga mayayaman ang gumagawa at nagpapatupad ng batas!





Comments