Kawani tiklo sa shabu at boga
SORSOGON CITY— Isang kawani ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu at baril, kamakalawa sa Bgy. Salog sa lungsod na ito.
Ang suspek ay nakilalang si Allan Caubang, empleyado at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ang bahay ni Caubang at dito nakumpiska ang apat na sachet ng shabu, baril at mga bala.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002, illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments