Kahulugan na magdasal ng rosaryo
- BULGAR

- Mar 11, 2019
- 2 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Virgie ng Virginia_Leonara@facebook.com
Dear Professor,
Gusto kong malaman ang ibig sabihin ng mga panaginip ko tungkol kay Mama Mary.
Sa panaginip ko ay nagpunta ako sa grotto kung saan nandu’n ang malaking istatuwa o rebulto ni Mama Mary.
Tapos, habang nakaluhod ako ay narinig ko na may sinasabi siya, pero hindi ko maintindihan dahil maingay ang mga tao habang nagse-selfie .
Bawal sa lugar na ‘yun ang mag-ingay, kaya naisip ko, bakit kaya maiingay sila?
Nang tumahimik na ay narinig ko si Mama Mary, ang sabi niya, “magdasal daw ako ng rosaryo bago ako matulog.” Paulit-ulit ‘yun, halos araw-araw kong napanaginipan.
Ulila na ako, 16 years old ako noong yumao ang mama ko, 3 kaming magkakapatid, 2 babae at 1 lalaki.
Ano kaya ang mensahe ni Mama Mary sa panaginip ko?
Naghihintay,
Virgie
Sa iyo Virgie,
Oo, iha, may mensahe para sa iyo si Mama Mary at ‘yun ay ang magdasal ka ng rosaryo, bago ka matulog.
May dahilan ang lahat ng bagay at ang dahilan kung bakit ipinagdadasal ka ni Mama Mary ay dahil sa panahon ngayon ng mga millenial almost zero na ang nagdadasal bago matulog.
Sabi nila, ang mundo sa panahon ng mga millenial ay sobrang unlad, kumbaga, malayo na ang narating ng tao kaya ayon sa kanila ngayon ang panahon ng “The golden age of knowledge.”
Pero, sa totoo lang, ito ay sa biglang tingin lang, kumbaga, sa malalim na pagsusuri, ang mga tao sa panahon ngayon ay hindi naman naging sobrang bobo, pero mahina ang isip.
Noong hindi pa uso ang mga gadget, lalo na ang mga cellphone, ang mga tao ay matalas ang memorya. Ibig sabihin, kapag matalas ang memorya ng tao, siya ay masasabing matalino.
Noon ang mga numero ng phone ay kabisado ng mga tao kahit gaano pa karami ang kanilang contacts.
Ngayon, sa totoo lang, kahit ang sariling number nila ay madalas na nilang nakalilimutan o hindi na minememorya dahil naka-save naman ito sa phonebook.
Kaya nga ang mga makabagong gamit ngayon, malungkot mang isipin, pero “they retards the memory process of people”.
Sa bandang huli, darating ang panahon kung saan wala ng magmememorya o magkakabisa dahil ang lahat ay naka-save na.
Kaya mahirap mang paniwalaan, pero ito ay alam ng mga siyentista na ang utak ng tao o ay liliit na dahil ang bahagi na ginagamit sa pagkakabisa ay hindi na gagana at tuluyan na ring mawawala.
Ang isa pang mahirap paniwalaan, pero katotohanan ay bibihira na rin ang nagdarasal.
Marami ang aangal dahil sasabihin nila nagdarasal sila, pero ang totoo ang dasal ng mga tao ngayon ay hindi naman talaga mga dasal kundi mga kahilingan lang.
Ang nakatutuwa pa sa tao, nagre-request lang sila kapag may problema sa buhay at tuwing sila ay may sakit na iniinda at kapag sila ay iniwan ng kanilang karelasyon.
Kaya sabi ni Mama Mary dahil sabi mo ay paulit-ulit mo siyang napananaginipan, simulan mo na ang pagdarasal kay Mama Mary.
Kumbaga, hikayatin mo ang mga kakilala mo, lalo na ang mga ulila na tulad ninyo na mag-alay ng mga panalangin kay Mama Mary.
Mas maganda ay magsasama-sama kayo o isagawa ninyo ang sabayang pagdarasal ng rosaryo.
Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo





Comments