HOROSCOPE | MARSO 11, 2019 (Lunes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 11, 2019 (Lunes): Napakalakas ng iyong personalidad, kaya malalakas din ang kadalasang nakababangga mo. Manalo ka man o matalo, hindi magbabago ang pagiging malakas mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaang maghari sa iyo ang galit. Ang mga nakagawa sa iyo ng pagkakamali ay huwag mong gawan ng masama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-16-23-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panatilihin mo ang kalinisan ng iyong hangarin. Sa ganito, mismong langit ang kikilos para sa iyo kung saan pagagandahin Niya ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-29-31-33-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Maging kalmado ka lang. Itago mo ang iyong emosyon. Hindi ngayon ang panahon para ilantad mo ang iyong damdamin na maaari lang makasakit sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-7-11-14-28-34.
CANCER (June 21- July 22) - Espesyal ka sa mata ng langit. Kaya ang mga sikretong kahilingan mo ay pagbibigyan Niya. Bilang pasasalamat, tuparin mo ang iyong mga pangako na tulungan ang mga kapus-palad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-16-18-25-32-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda ang anumang sobra. Kalusin o bawasan mo ang kalabisan ng malapit sa iyong puso sa paraang hindi sasama ang kanyang kalooban. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-20-21-29-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo kailangan ang alalay, tulong at suporta lalo na kapag magmumula sa naghihintay ang kapalit. Dapat nilang maunawaan na ang pagtulong ay hindi pangungutang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-13-18-26-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang hindi sasang-ayon sa iyo dahil palaging maganda ang gusto mo, pero sa totoo lang, maganda ang magiging kapalaran mo dahil mali para sa iyo ang piliin ang hindi maganda. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-21-28-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ka at ito ay maganda dahil ang mga tagumpay ay nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Gayunman, dahil malakas ka, iilag sa iyo ang mahihina. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-19-23-26-31.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Harapin mo ang bukas nang may saya. Huwag mo nang balikan ang nakaraan dahil ang pagbalik sa nakaraan ay pag-atras na magreresulta ng kabiguan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-17-20-23-30-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawakan mo ang nasa sa iyo na. Huwag mong tularan ang marami na dahil sumaya ay binawasan ang hawak nila na iniregalo ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-14-18-22-29.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang saya ang dala mo kundi ginhawa sa mga taong lihim na malungkot ang buhay at uhaw na uhaw sa pang-unawa at pagmamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-26-30-34-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Anuman ang iyong nararanasan ngayon, iisa lang ang kauuwian nito, magkakaroon ka ng napakagandang buhay, kaya darami pa ang maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-8-15-23-33-38.




Comments