Habang nagpapatawa, nahirapang huminga… CHOKOLEIT, INATAKE, PUMANAW SA EDAD NA 46


Nakakabigla ang pagpanaw ng komedyanteng si Chokoleit (Jonathan Aguilar Garcia in real life), 46, noong Sabado nang gabi (March 9) habang nasa Abra ito for Kawayan Festival 2019.
Ayon sa statement ng Star Magic na talent agency ng komedyante, “Chokoleit was performing in an out of town show in Abra, and experienced difficulty in breathing after his performance.”
Ayon sa report ng DZMM kahapon, after the performance ay isinugod daw agad sa Abra Provincial Hospital si Chokoleit pero idineklara na itong DOA (Dead on Arrival) at ayon sa attending physician na si Dr. Rosauro Seares, pulmonary edema and heart attack ang naging sanhi ng pagkamatay ng komedyante.
Kahapon din ay lumutang ang video ng performance ni Chokoleit sa nasabing event at nakakadurog din ng puso na makita na habang nagpe-perform ay kitang-kitang hirap na ang komedyante na huminga pero itinuloy niya pa rin ang pagpe-perform.
Sa kanyang spiel ay makikita ring pinagpapawisan na siya at paputul-putol na magsalita dahil hinahabol niya ang kanyang hininga.
Kaagad namang nagpaabot ng pakikiramay ang mga taga-industriya sa social media the moment na nabalita ang pagyao ni Chokoleit.
Isa sa mga nag-tweet ng pakikiramay ay si Vice Ganda. Aniya, “Thank you Lord for giving me a chance to meet Chokoleit and become his friend. I’m sad that we lost him. But happy that he’ll be in a much peaceful and happier place now with you. Thanks for everything Chokie. I love you!!! Rest well my friend.”
Si Pops Fernandez na isa sa mga huling nakasama ni Chokoleit bago ito pumanaw dahil nandu’n din pala ito sa Kawayan Festival ay nag-post sa kanyang Instagram ng larawan nila ng komedyante taken at the event hours before he died.
“This photo was taken right before Chokoleit’s performance in Abra. I asked him how he was doing since I haven’t seen him in a long time. His reply, ‘I am doing very well. I’m in a good place. Nakaipon na po ako.’ I told him how happy I am for him.......... I am still in shock. Chokoleit, thank you for the laughter. You made the people laugh one last time. RIP,” ang caption ni Pops.
Hindi rin makapaniwala si Claudine Barretto na nakasama si Chokoleit sa hit teleserye niyang Marina na naging dahilan din ng pagsikat ng komedyante.
Nag-post din ng pakikiramay si Claudine kalakip ang short video with Chokoleit during Marina days at sa caption ay binilinan niya ang komedyante na pakiyakap daw para sa kanya ang yumao na ring direktor na si Wenn Deramas at ex-boyfriend niyang si Rico Yan.
“Mami-miss ko ‘to! Paki-hug si Direk Wenn at Rico para sa ‘kin. Thank u Choko isa kang LOYAL na kaibigan. mahal na mahal kita at d kita makakalimutan kahit kailan,” caption ni Claudine.
Sa post ni Eric John Salut ng ABS-CBN sa Facebook kahapon, nakatakda raw ilipat ang labi ni Chokoleit kagabi sa Paket Santiago Funeral Homes sa #13 Bgy. Mayamot, Marcos Hi-way, Antipolo City, Rizal.
Nakikiramay ang BULGAR sa mga naulila ng komedyante. Rest in peace, Chokoleit.





Comments