Bukod sa paglalagay ng lotion, moisturizer at iba pa... TIPS PARA SA MGA TAONG MAY DRY NA BALAT
- Jersey Sanchez
- Mar 11, 2019
- 2 min read
No Problem

PALAPIT nang palapit ang summer season, mga besh! For sure, struggle is real na ulit ang mga beshy natin diyan na may dry skin. Tsk, tsk, tsk! Dehins na ninyo kailangang mag-worry dahil we got you, lodi! Narito ang mga bagay na hindi n’yo dapat gawin kapag mayroon kayong dry skin:
1. DON’T WASH YOUR FACE TOO OFTEN. Madalas nating ginagawa ang paghihilamos dahil sa paniniwalang nakabubuti ito sa pagtatanggal ng mga dumi sa ating mukha. Pero, ayon sa mga eksperto, maaari umano itong makadagdag sa pagka-dry ng balat sa mukha. Gayundin, inirerekomenda ng mga ito na maghilamos lamang ng dalawang beses kada araw gamit ang gentle facial wash.
2. AVOID OVER-EXFOLIATING. Ang pag-e-exfoliate ay kilala bilang pantanggal ng mga dead skin cell, ngunit, ang labis na paggawa nito ay posibleng magresulta sa pagka-irritate ng balat. Gayunman, inirerekomenda ng mga eksperto ang pag-e-exfoliate ng dalawa hanggang tatlong beses kada linggo.
3. DON’T APPLY MOISTURIZER WITHOUT DAMPENING YOUR SKIN FIRST. Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga moisturizer ay nagiging moisture-blocker kung saan napipigilan nito ang tubig na mag-evaporate sa balat. Gayunman, ang paglalagay ng moisturizer sa tuyong balat ay pansamantala umanong nagbibigay ng moisture, ngunit, mas epektibo ito kapag inilagay sa medyo basang balat.
4. AVOID PRODUCTS THAT HAS GLYCOLIC ACID. Isa umanong malakas na uri ng exfoliant ang glycolic acid, kaya mas nakapagpapa-dry ito ng balat. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na gumamit ng mga produktong mayroong lactic acid, partikular sa facial cleansers dahil ito ay isang uri ng gentle exfoliator, gayundin nakapagha-hydrate ito.
5. DON’T SKIP APPLYING MOISTURIZER. Lalo na ngayong summer season, beshy! Kahit nasa bahay lang kayo, make sure na makapaglalagay kayo ng moisturizer. Ayon sa mga eksperto, ang paggamit ng moisturizer ay nakatutulong upang ma-dehydrate ang itaas na bahagi ng skin cell, gayundin, inila-lock nito ang moisture sa balat.
6. AVOID TAKING DIURETICS EXCESSIVELY. Hindi inirerekomenda sa mga indibidwal na mayroong dry skin ang pag-intake ng mga diuretic tulad ng alak, caffeine, gayundin ang maalat na pagkain. Ito ay dahil nakapagpapalakas ng urine production ang mga ito dahil posible itong magresulta sa dehydration. Bukod pa rito, dapat umanong sapat ang Vitamin C na mayroon ang indibidwal dahil maganda itong source ng collagen.
7. DON’T USE HEAVILY SCENTED PRODUCTS. Ayon sa mga eksperto, ang mga indibidwal na mayroong dry skin ay hindi pinapayuhang gumamit ng mga produktong may matapang na amoy, partikular ang mga lotion at cream. Ang mga ito ay maaari umanong maging sanhi ng irritation.
Oh, ayan, mga beshy, dehins na ninyo kailangang mag-worry sa inyong dry skin dahil sa mga tip na ito.
Have a glowing and hydrated skin, mga beshy!
Copy?




Comments