top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BIADO AT CHUA, UMENTRA SA SEEDING NG WORLD POOL

  • Eddie M. Paez, Jr
  • Mar 11, 2019
  • 1 min read

PASOK bilang seeded cue artists ang mga pambato ng Pilipinas na sina Carlo “Black Tiger” Biado at Johann “Bubwit” Chua sa 2019 World Pool Billiards Association (WPA) Players’ Championships ngayong Abril 16 hanggang 19 sa palaruan ng Griffs Billiards sa Las Vegas.

Dahil sa kanyang pagiging world no. 3 sa WPA rankings, pumangatlo rin ang 35-taong-gulang na si Biado sa mga pinapaborang kalahok. Dala ng Pinoy sa torneo ang kinang ng pagpasok sa finals ng WPA World 9-Ball Championships sa nakalipas na dalawang taon.

Taong 2017 nang hinirang siyang world 9-ball king samantalang bridesmaid honors naman ang nasungkit niya noong isang taon. Si Biado rin ang kasalukuyang Yogyakarta 10-Ball Open champion.

Tangan naman ni Chua ang no. 17 na tag sa seedings ng paligsahang nililimitahan lang sa 64 na malulupit na bilyarista mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Nakaangkla ang kumpiyansa ng 26-anyos na si Chua sa dalawang All Japan Billiards na titulo (2015 at 2017) at ang korona ng 2018 Maryland 10 Bar Table Championships noong Nobyembre.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page