Ayon sa mga eksperto.... PAGPU-PUSH-UPS, NAKABU-BOOST NG METABOLISM!

TODO push-ups at sit-ups ba kayo para magkaroon ng flat stomach at abs? Ayos ‘yan! Pero, bukod umano sa nakaliliit ito ng tiyan, alam ba ninyong ang push-ups ay kering maka-boost ng metabolism?
Sinabi ng mga dalubhasa na sa oras na nag-workout ang tao, may magiging epekto ito sa kanyang metabolismo kung saan mas bibilis ito at gaganda ang flow ng kanyang digestive system.
Gayunman, dahil ang push-ups ay nakabe-burn ng fats, nabi-build nito ang muscle mass kung saan nai-increase ang metabollic rate.
Samantala, karamihan sa mga indibidwal na may problema sa metabolismo ay malaki ang tsansa na magkaroon ng mga sakit na diabetes, cushing’s syndrome, hypothyroidism, graves’ disease, hashimoto’s disease at low testosterone levels.
Kaya naman kung gusto nating ma-boost ang ating metabolism at makaiwas sa mga sakit na nabanggit, make sure na susubukang mag-push-ups.
Dagdag pa rito, ang mga bagay na nakako-cause ng slow metabolism ay ang kakulangan sa tulog dahil naaapektuhan nito ang enerhiyang dapat nating nai-intake kabilang ang cortisol, thyrotropin, leption at ghrelin, gayundin na bumababa ang ating kaloriya.
Kaya ang paalala ng mga eksperto, importante na inaayos natin ang ating metabolism nang sa gayun ay hindi nito maapektuhan ang kalusugan at buhay natin.
Kaya sa mga lodi natin diyan na paminsan-minsan lang mag-deposit sa banyo, naku, ipa-check-up n’yo na ‘yan!
Gets mo?





Comments