ALAB PILIPINAS, NIRESBAKAN ANG MACAU, BALKMAN, BIDA

NAKAGANTI ang San Miguel Alab Pilipinas sa Macau Black Bears noong Biyernes ng hatinggabi sa bisa ng panalong 101-96 laban sa bisitang team sa ASEAN Basketball League (ABL) na idinaos sa FilOil Flying V Centre, San Juan.
Humalibas si Puerto Rican big man PJ Ramos ng 29 points at may 13 rebounds pra sa Alab na nakaresbak sa Bears matapos na trumangko sa unang dalawang quarters. Tumabo si Renaldo Balkman ng 26 puntos at 11 rebounds habang si Ray Parks Jr., ay may 22 points, 5 rebounds at 5 assists.
Sapat na iyan upang manaig kay Filipino-American Mikh McKinney ng Macau. Si McKinney ay may 50 puntos para sa Bears na unang lumamang sa 57-46 sa half time game.
Iniangat pa ng Macau ang bentahe sa 72-62 pero humabol ang Alab sa 21-5 run at hindi na nakaporma pa ang Bears. Pero lumalaban pa si MicKinney at hilahin ang Macau sa 91-95 sa pinal na 3 minuto, pero nahinto na ang score.
Ang Alab ngayon ay may 19 nang panalo sa 23 games. Boxscores: Alab Pilipinas 101 - Ramos 29, Balkman 26, Parks 22, Domingo 11, Javelona 6, Alvano 4, Urbiztondo 3, Alabanza 0, Sumalinog 0, Torres 0. Macau Black Bears 96 - McKinney 50, Watkins 25, Leung 11, Tian 6, King 3, Lai 1, Yu 0, Liu 0.





Comments