top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tambay sa ‘Pinas, titindi pa

  • V. Reyes
  • Mar 10, 2019
  • 1 min read

TITINDI pa umano ang problema sa unemployment o kawalan ng trabaho sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy ni Sonny Africa ng non-profit research group na IBON Foundation, ang pagbagsak ng oportunidad sa paggawa o trabaho sa sektor ng agrikultura.

Aabot aniya sa 1.7 milyong trabaho ang nawala sa agriculture sector na mula sa dating 10.9 milyon noong Enero 2018 ay umabot na lamang ito sa 9.2 milyon noong Enero ng kasalukuyang taon.

Sa kabuuan ng populasyon ng bansa, sinabi ni Africa na umaabot sa 9.8 porsiyento nito o 4.5 milyon ang walang trabaho.

Pinalagan din ng IBON Foundation ang pagbibigay ng prayoridad sa mga Chinese worker sa ilang mga lokal na construction job.

“Over 20 percent ‘yung trabaho doon, including those skilled works, is binigay sa Chinese workers. So, iniisip namin ngayon, ano ba talaga?,” puna ni Africa sa dalawang proyekto ng pagtatayo ng tulay sa Maynila at Marikina.

“So, if you’re going to think of it, hindi totoo na prinoprotektahan nila at binibigyan nila ng suporta ang Filipino workers,” hirit pa ni Africa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page