top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Show, tuloy pa rin… MGA CO-HOSTS SA EAT BULAGA!, TAMEME SA PAGTANGGAL KAY MAINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 10, 2019
  • 1 min read

MAGHIHINTAY ang publiko kung may formal statement na ilalabas ang pamunuan ng Eat…Bulaga! tungkol sa bali-balitang iiwan na ni Maine Mendoza ang noontime show na nagpasikat sa kanya.

Ilang araw na ring hindi napapanood sa EB! ang Dubsmash Queen, kaya may mga viewers nang nagtatanong at naghahanap sa kanya. Wala rin isa man sa mga hosts ng EB! ang nagsasalita tungkol sa non-appearance ni Yaya Dub sa longest-running noontime show.

Maraming katanungan ang mga netizens na gustong malaman kung ano na ang status ni Maine sa EB!. Kasama pa ba siya sa noontime show o pinagbakasyon muna ng pamu­nuan nito? Pinapili nga ba si Yaya Dub kung career o pag-ibig? Mas pinili nga ba ni Maine si Arjo Atayde at handang iwan ang mga Dabarkads niya sa Eat… Bulaga!?

Alam ng lahat na mahal na mahal at itinuturing na baby nina Joey de Leon, Bossing Vic Sotto, Jose & Wally, Paolo Ballesteros atbp. EB! hosts si Menggay. For sure, apektado sila at malulungkot kapag nawala sa EB! si Maine.

But for now, the show must go on. May obligasyon sila sa kanilang mga viewers na tumangkilik sa EB! sa loob ng apat na dekada.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page