top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinangakuan ng pera | 11 YRS. OLD NI-RAPE NG BADING

  • Gina Pleñago
  • Mar 10, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ang umano’y bading na delivery boy nang molestiyahin ang 11-anyos na lalaki sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Nasa detention cell ng Makati City Police Station ang suspek na si ‘Jean Thompson’, 21, ng Bgy. Tejeros makaraang hulihin ng mga bantay-bayan.

Sa isinumiteng ulat kay Police Colonel Rogelio Simon, hinikayat ng suspek ang biktimang itinago sa pangalang Junjun na sumama sa kanya sa loob ng kanyang bahay dahil bibigyan umano niya ito ng malaking halaga ng pera, alas-11:00 ng gabi.

Tiwala namang sumama ang biktima dahil kilala umano niya ito at hindi niya inakalang gagawan siya ng hindi maganda.

Nagulat na lamang siya nang sabihan siya na hubarin ang kanyang suot bago hinimas ang kanyang ari at ginawan siya ng oral sex.

Nang makauwi ng bahay ang biktimang si ‘Junjun’, isinumbong niya sa ina ang nangyari kaya agad silang nagpunta sa barangay hall para ireklamo ang suspek.

Agad namang pinuntahan nina Bgy. Bantay-Bayan Herbert dela Cruz at Jomar Hiles ang suspek sa kanyang bahay at hinuli dahil sa reklamong pangmomolestiya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page