Pag-imprenta ng mga balota, mapapaaga

POSIBLENG matapos umano nang mas maaga ng Commission on Elections ang pag-iimprenta sa mga balotang gagamitin sa May 13 midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng matapos ang ballot printing sa Abril 10 o mas maaga ng 15-araw sa target nilang deadline na Abril 25. Mas mabilis kasi aniya ang pag-iimprenta ng mga balota na umaabot na sa mahigit P1 milyon kada araw.
Nabatid na sa ngayon ay umabot na sa mahigit 30 porsiyento ang natapos iimprenta sa National Printing Office (NPO).
Asahan pa aniya na mas lalong bibilis ang pag-iimprenta dahil plano pa umano ng poll body na magdagdag ng isa pang printing machine.





Comments